Sabado, Oktubre 19, 2013

KABIHASNAN NG BANSANG TSINA


Tsina


              Tsina


   Ang bansang Tsina o 
China ay ang pinakamalawak at pinakamalaking bansa sa asya na sumusukat ng 9.6 milyong kilometro parisukat.Ito rin ang bansang may pinakamalaking bilang ng populasyon na may bilang na 1.3 bilyong populasyon.Ang Tsina ay mayaman sa kultura,kagamitan at pati ang pangrelihiyosong usapan.Buddhism Budismo  ang pangunahing relihiyon dito. Ang Budismo ay pumasok sa Tsina noong mga Unang Siglo, pagkatapos ng Ika-4 Siglo, ito ay nagsimula nang magpalaganap; ang Budismo ay unti-unting naging isang relihiyon na may pinakamalaking impluwensiya sa Tsina.

 

   ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 


Mga Naiambag sa KASALUKUYAN


Pilosopiya ni Confucius
  
Si Confucius ang pinakaimpluwensiya sa lahat ng pilosopong ito. Siya rin ang pinakadakilang pilosopo at guro sa kasaysayan ng Tsina. Kapansin-pansin ang   pagpapahalaga ni Confucius sa relasyong na babatay sa pamilya at sa komunidad na ang gusto lang ay magkaroon ng kapayapaan sa bansa. Ayon sa kanya,mahalagang makagawian ng mga anak at ibang tao ang pagsunod sa “filial piety” o paggalang 
at  pagmamahal sa mga magulang at nakatatanda.



                                 "Great Wall of China"

      

Ang Great wall of China ay malaking tulong noong unang panahon dahil sa pagpapagawa dito
 naitaboy ang pangkat ng mga barbarong nagnanais sumakop nito.  
May habang 6, 700 kilometro na mula sa Shanhaiguan sa silangan ng Tsina hanggang Lop Nur sa kaunlaran. Itoay unang ipinagawa ni Shi Huang-ti isang 13 taong gulang na emperador na nagmulasa angkang Chin. Ito lamang ang estrukturang gawa ng tana bukod tanging natatanaw sa kalawakan.  Ang “Great Wall of China” ay kilala sa kasalukuyan bilang isasa“SevenWonders of the World”.






 "Grand Canal"

         Ang Grand Canal ay ay ang pinakamahabang kanal o artipisyal na ilog sa mundo.Ito ay pinakamahalagang bagay na ipinamana ng mga Sui sa Tsina dahil ito ay nagsilbing  mahalagang daanang pangkalakalan sa pagitan ng hilaga at timog Tsina.Sa ngayon, ang haba ng Grand Canal ay humigit-kumulang 1,200 milya ang haba, tumatakbo mula sa Hangzhou sa Zhejian lalawigan na matatagpuan sa timog ng Tsina sa Beijing, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng bansa. Bukod pa rito, ang Grand Canal ay kumokonekta sa mga ilog ng Yangtze, Yellow Huaihe, Quiantang, at Haihe Rivers, at pagkatapos, sa katimugang dulo, dumadaloy sa Hebei, Tianjin, Beijing, Jiangsu, Shandong, at Zhejiang.





  Sinocentrism
    Sinocentrism

         
 Ang kaisipang Sinocentrism ay tumutukoy sa paniniwala at pilosopiya ng mga Tsino na ang Tsina ang pinakasentro ng daigdig, ang itinuturing na “Gitnang Kaharian”. Gayunpaman, hindi naman naaayon sa kanilang gawi ang mangibang bansa upang palaganapin ng kanilang paniniwala at kabihasnan dahil naniniwala sila na ang kulturang Tsino ay maipagmamalaki at tiyak na tatanggapin at yayakapin ninuman nang walang pasubali o anumang uri ng paghihikayat.






                      Mechanical Clock
    

      Ang “Mechanical clock ay inembento noong 700s sa panahon ng Tang at Sung sa Tsina. 
Ito ay relong pinaaandarng makina at kinokontrol ng tubig.
 Ang ideyang ito ay dinala ng mga mangangalakal sa Europa.


               






                      
        Porselana
    
   Ang Porselana ay inimbento noong 700s noong panahon  ngTang at Sung sa Tsina.Ito ay isa sa naging mamahalin at mahalagang produktong panluwas.
    Mayroon itong matigas na seramik na gawa sa puting 
   luad at mineral na matatagpuan lamang sa Tsina.Ito rin ay
     kinikilala bilang Chinese Technology”.






                                                                                  Pulbura


Ang pulbura ay naimbento noong 800s at noong panahon ng Tang at Sung. Ito ang pumuputok na pulburang gawa sa pinaghalong “saltpeter”, “sulphur”
 at uling. Ito ay unang ginamit bilang paputok.
 Ito ay ginamit din bilang armas at hanggang sa ito ay lumaganap na sa ibang bansa at gamitin.





                                                            
                                                                

                                                                  Perang Papel
         
Lumang perang papel
  
   Ang Perang papel ay naimbento noong 1020s sa panahon ng Tang at Sung sa Tsina. Ang perang papel ay ipinalit ng mga Sung sa mabigat at nakataling perang barya na gamit ng mga mangangalakal. Ito ay nakatutulong sa nalinang ng ekonomiyang komersyal sa Tsina.




                                                                                  Magnetic Compass

         
Magnetic Compass
     Ang “Magnetic Compass” ay inimbento noong 1100s at noong mga panahong Tang at Sung. Ito ay may gamit na may “magnetic needle” na tumututok sa hilaga o sa timog na di-naglaon ay ginamit ng mga eksplorador sa karagatan. Ito ay naging makapangyarihang bansa sa karagatan ang Tsina, na medaling lumaganap sa kanluran.




                                                 Pilosopiya ng mga Legalista
                             


Ang mga Legalista ay naniniwala na isang makapangyarihang pamahalaan lamang makapagpapanumbalik ng katiwasan sa Tsina. Taliwas sa kaisipan ni Confucius ang kaisipan ng pangkat ng mga legalista. Ayon pa sa kanila, kailangang pagkalooban ng gantimpala ng pamahalaan ang sinumang maayos na tumatalimasa kanyang tungkulin at patawan naman ng mabigat na kaparusahan ang sinumang hindi gumaganap sa tungkulin. Higit sa lahat, iminungkahi nila ang pagsunog sa lahat ng kasulatan at pahayag na maaaring magbigay ng ideya sa mga tao upang mag-alsa.





Mga KULTURA at TRADISYON ng Tsina


Kasuotan

                                                                                                                                                  

  Ang Cheongsam ay isang eleganteng uri ng kasuotang Tsino. Ang masikip na kasuotang ito na may mataas na leeg at "slit" sa magkabilang tagiliran, ay nanggaling sa Manchu Nationality ng Tsina.Ito ay unang nauso sa Royal Family ng Qing Dynasty.
 naman ang tawag sa damit
panlalaki ng tsino.

Zhongshan Suit
Cheongsam
















Chinese Dumpling
Pagkain

Sa isang mahabang kasaysayan ng higit sa 1,800 taon, Chinese dumplings ay isang tradisyonal na pagkain Na sikat sa Hilagang Tsina. Dumplings ay binubuo ng tinadtad na karne at tinadtad Na gulay balot sa isang manipis na piraso ng kuwarta balat. sinasabi nila na ito ay isa sa mga pinakamahalagang tradisyonal na pagkain Na pinasa pasa pa Sa ibang henerasyon






  Mga Instrumento

P'ip'a



Ang instrumento na ito ay kahawig ng mga Espanyol gitara sa ilang mga paraan, na may mahabang kuko na nilinang na kalbitin ang mga string. Ang Pipa ay higit sa 2,000 taon ang haba Na mula sa Dinastiyang Han hanggang Dinastiyang Tang. Ang pinaka-karaniwang mga pipa ay may katawan na may maikling leeg at ng sahig na gawa sa tiyan. May 19-26 kawayan frets tinatawag Xiang sa leeg.


Sheng



Ang Sheng ay isa sa mga pinakalumang instrumento ng China. Ito ay unang naimbento  noong 551 BC sa panahon ng Dinastiyang Zhou (1111-222 BC). Binubuo ito ng 17-36 pipe at pinapatugtutog gamit ang pag ihip nito. Ang Sheng din ang unang musikal na instrumento sa buomg mundo na gumagamit ng "coupled acoustical system", sa pagitan ng daanan ng hangin at ng  tambo






Tradisyonal na Opera

Peking Opera


Ang Peking Opera ay dinudula upang ipakita ang kasaysayan ng kanilang bansa na ginaganapan naman ng mga lalake upang di mapahiya ang babae .Ito ay nagsimula noong 1790 sa ika-80 na kaarawan ni Haring Chien Lung sa Dinastiyang Qing. 










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento