Linggo, Oktubre 20, 2013

KABIHASNAN NG BANSANG JAPAN


                  
           Japan

Ang salitang“Japan” ay nagmula sa salitang Nippon o Nihon na ang ibig sabihin ay “Land of the Rising Sun”.Ang bansa ay kilala sa maunlad na pamamalakad  at mayaman sa kultura at tradisyon. Ang Shintoism ang pinakamalaki at tradisyonal na relihiyon ng Japan. “Gawing Diyos” ang ibig sabihin ng Shintoism. Ang Kami o Diyos ng kalikasan ang itinuturing diyos ng mga nanalig sa relihiyong Shinto.


   -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mga naiambag sa KASALUKUYAN




  • Kabisera ng Nara

     Ang Nara ang unang kabisera ng Japan.Nara ay ang kapital ng lungsod ng Nara Prefecture matatagpuan sa Kansai rehiyon ng Japan. Ang lungsod sumasakop sa hilagang bahagi ng Nara Prefecture, na karatig ng Kyoto Prefecture. Nagsimula ang Panahon ng Nara ng Taong 710 hanggang taong 784. Si Emperador Gemmei ang unang nagtatag ng kapitolyo niya sa Nara na siyang pinagmulan ng panahong ito. Kilala din ang Nara bilang Heijo kyo.





    Ainu

    Ang mga Ainu ang unang nanirahan sa bansang Japan.Ang salitang Ainu ay nagangahulugang "tao".Ang mga Ainu ay pangkat-etnikong nagsimulang manirahan sa Hokkaido,ang hilagang pulo ng Japan, sa mga pulo ng Kurile, at Sakhalin, at sa pinakatimog na bahagi ng Kamchatka Peninsula.



                              
                                Kana

    Ang Kana o Hiragana ay isang uri ng pagsulat sa bansang Hapon, na isa rin sa pangunahing nilalaman ng Sistemang Panulat ng mga Hapon, kasama ang katakana, kanji , at ang Alpabetong Latin. Parehang nasa sistemang kana ang hiragana at katakana, na kung saan ang bawat panitik ay simisimbolo sa isang mora. Ito ang unang uri ng pagsulat sa bansang Hapon.


             

             Jimmu




    Si Emperador Jimmu  kilala rin bilang Kan'yamato Iware-biko no Sumeramikoto at totoong pangalan Wakamikenu no Mikoto o Sano no Mikoto ay ang nagtatag ng Hapon ayon sa mitolohiya at ang unang emperador sa kinaugaliang talaan ng mga emperador ng Hapon.Siya ay ang unang emperador ng bansang Japan.Siya ay tinatawag na Tenno na ang kahulugan ay "Anak ng Kalangitan".Ayon sa kanila siya rin ang nagtatag ng  Imperyong Yamato.





                   Prinsipe Shotoku

    Si Prince Shōtoku na kilala rin bilang Prince Umayado o Prince Kamitsumiya, ay isang maalamat na rehente at isang politiko ng Asuka panahon sa bansang Hapon na naglingkod sa ilalim ng Empress Suiko.Si Shotoku kilala bilang "Ama ng Kulturang Hapones". Siya ay isang anak na lalaki ng Emperador Yōmei at ang kanyang mga nakakabatang kapatid na babae sa ina Princess Anahobe walang Hashihito. Ang kanyang mga magulang ay mga kamag-anak ng mga nakapangyayari Soga lipi, at  kasangkot sa pagtalo ng karibal lipi na Mononobe.Siya rin ang sumulat ng Seventeen Articles,ang kauna-unahang nakasulat sa kodigo ng batas ng Japan.




                                    Sistemang Piyudal


    Ang piyudalismo o peudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari. Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon.Nagsimula ito sa Japan noong ang nanunungkulan ay si Yoritomo.Ito ay nahahati sa tatlong panahon:Kamakura Shogunate,Ashikaga Shogonate, at Tokugawa Shogonate.  





    Tokugawa Ieyasu



    Tokugawa Ieyasu ay ang tagapagtatag ng unang Shogun ng mga Tokugawa shogunate ng Japan, na pinasiyahan mula sa Labanan ng Sekigahara sa 1600 hanggang sa Meiji Restoration sa 1868.Siya ang muling nakapag-isa ng bansang Japan.Upang maiwasan ang paghihimagsik ng kanyang mga daimyo,itinakda ni Ieyasu ang "alternate attendance policy".







    Marka ng Shintoism
                            Shintoism


    Sa pagdaraan ng panahon,ang magkakaibang tradisyong ito ay kanilang pinagsanib sa isang relihiyon na tinawag nilang Shinto, na ang kahulugan ay "ang daan ng diyos".Ang relihiyong Shinto ay nakabatay sa paggalang sa kalikasan at pagsamba sa mga ninuno.Si Kami ang pinaniniwalaan nilang diyos ng kalikasan.







                                                              Samurai


    Ang samurai  , mononohu, o bushi, ay ang mga kasapi ng uring militar ng sinaunang Hapon. Samakatuwid, sila ang mga mandirigma noong kanilang kapanahunan. Nagmula ang salitang samurai sa pandiwang ng Hapones ns saburai, na nangangahulugang paglingkuran (ang isang tao).Ang mga kabalyerong nakikipaglaban nang buongkatapatan para sa kaligtasan ng kanilang mga panginoon.







    Ashikaga Shogunate

    Ang Ashikaga shogunate ay higit na kilala bilang Panahon ng Muromachi.Ang pangalang Muromachi ay nagmula sa pangalan ng daang Muromachi sa Kyoto,kung saan itinatag ni Shogun Yoshimitsu ang kanyang tirahan na kung tawagin ay "Mabulaklak na Palasyo" (Flower Palace).Ito ay tinatag ni Ashikaga Takauchi,na nagmula sa angkan ng Minomoto. 













    Mga TRADISYON at KULTURA



                                       Nobela



    Ang "The Tale of Genji" ang kauna-unahang nobela sa daigdig na sinulat ni Lady Murasaki Shikibu.Ito ay tumatak sa mga isip ng mga Hapon dahil sa magandang kwento nito.









    Kimono
    Kasuotan

    Ang kimono ay isang uri ng tradisyonal na kasuotan sa Hapon. Dating may ibig sabihing "bagay na isinusuot" ang salitang "kimono". Matagal nang panahon ang nakararaan, dating araw-araw na nagsusuot ng mga kimono ang mga tao sa Hapon. Daan-daang taon na ang tagal ng panahon ng pagsusuot ng mga Hapones ng Kimono. Sa ngayon, isinusuot lamang nila ang kimono kapag may natatanging mga okasyon katulad ng mga seremonyang pormal.







    Pagkain

    Ang Sushi ay ang tradisyonal na pagkain na binabalik balikan sa Japan.Ito ay napakasarap at malasang pagkain.Dahil nga sa ito ay popular sa buong mundo ,ito ay tinangkilik at kumalat sa iba't ibang sulok ng mundo.



  • KABIHASNAN NG BANSANG SOUTH KOREA



                        South Korea

             

    Ang South Korea ay isang bansa na matatagpuan sa silagang bahagi ng Asya. Seoul ang kapital ng bansang ito. Noong wala pa nahati sa dalawa ang korea, ang bansang ito ay  tinatawag na "Korea", na nagmula sa Dinastiyang Goryeo (minsan ay nakabaybay na Koryo), na nanggaling naman sa pangalan ng sinaunang Kaharian ng Goguryeo.Ang Korea ay dating binansagang “Hermit Kingdom”. Ayon sa kasaysayan, ito ay nasakop ng dayuhang bansa at nasupil pa ng iilang mga bansa. Dahil sa kapaguran, napag-isipan nilang mga Koreano na iwasan munag makipagsalamuha sa ibang bansa upang mapagtuunang pansin ang pagpapatibay at lakas ng kanilang kultura.


      
    Kasaysayan ng Korea
            
      Ang kasaysayan ng Korea ay nagsimula noong 2333 BCE. Sabi sa alamat, si Haring Tan-gun ang unang nagtatag ng kaharian sa korea na tinawag na Choson, na ang kahulugan ay “Lupain ng Mapayapang Umaga”. Hindi ito nagkaroon ng katatagan kaya bumagsak ito at nahati sa tatlong kaharian na Koguryo, Paekche at Silla.



              ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

    Mga naiambag sa KASALUKUYAN




                                                                   Kaharian ng Koguryo
             
     Ang Koguryo ang unang nalinang bilang isang kaharian sa kapatagan ng Yalu River. Kulang ang lupaing sakahan dito kaya kailangan pa nilang mangaso palgi upang may makain. Upang mapaunlad ang kanilang kapangyarihan, pinalakas ng pinuno ng tribong Koguryo na si Tong-myong ang hukbong militar. Ginamit niya ang hukbo upang mapalawak ang lupain ng kaharian at makakuha ng mga aliping magsasaka sa mga lupain na magkakaloob sa kanila ng pirmihang mapagkukunan ng pagkain.





      
            Kaharian 
              ng Paekche
               

    Ang kahariang Paekche ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Han River sa Seoul. Iba sa Koguryo, ang mga Paekche ay mapayapa at lagging umiiwas sa pananalakay ng mga Koguryo hanggang sa maisipan nilang itatag ang kanilang kaharian sa timog-kanlurang bahagi ng peninsula.       

      

              




      Kaharian ng Silla        
           

      Ang silla naman ang pinakamahina sa tatlong kaharian. Isinanib ng Silla ang kahariang Kaya sa kanila at nagtatag ng pinag-isang kaharian sa ilalim din ng pinag-isang pangalang Silla sa timog-silangang peninsula. Ang Silla ay pumasok sa isang kasunduang military sa dinastiyang Tang ng Tsina upang talunin ang mga kaharian ng koguryo at Paekche, ngunit ito’y umatras sa kasunduan nang mapansin ang balak ng Tsinan a sakupin ang mga kaharian.







    Hangul
                                                Sejong
           
    Sejong
       Si Sejong ang ikaapat na hari ng Choson. Sa kanyang pamumuno, naging kilala ang sining at kulturang Koreano. Nilikha sa panahong ito ang Hangul o Hangeul, alpabetong Korean. Kinilala ang hangul bilang pinakasiyentipiko at pinakaepektibong pagsusulat sa daigdig. Ang pamamahala niya ang tinaguriang “Ginintuang Panahon” sa kasaysayan ng Korea.
      


        Confucianism



    Confucianism naging isang higit na malaking sistema ng akalain sa matagal na China, napabuti sa mga itinuro ng Confucius at kanyang mga alagad, at nababahalang may ang mga alituntunin ng mabuting mga pangangasiwa, isinasagawang karunungan, at tamang sosyal relationships.Itinalaga ni Sejong ito bilang relihiyon ng bansa.







    Wang Kien (Pagbuo ng Dinastiyang Koryo)
            

      Nang panahong humina ang dinastiyang Tang ng Tsina, pinamunuan ni Wang Kien ang isang rebolusyon sa Korea at sinakop ang mga kaharian ng Paekche at Silla.Si Wang Kien ay ginawa ang lahat upang maibalik ang dating kasaganahan.  Noong 935 BCE, ang mga kaharian ay kanyang napag-isa at tinawag na Koryo.Ang dinastiyang Koryo ay nagtatag ng isang sentralisadong pamahalaan na ibinatay ni Wang Kien sa Tsina.






    Mga KULTURA at TRADISYON


    Kasuotan

    Ang Hanbok (sa Timog Korea) o Joseon-ot (sa Hilagang Korea, binabaybay ding Chosŏn-ot) ay ang tradisyunal na damit ng Korea. Binubuo ang pambabaeng hanbok ng naibabalot na chima o palda at ng isang tila bolerong jeogori o tsaketa. Binubuo naman ang para sa kalalakihan ng maiksingjeogori at ng baji o pantalon. Kapwa maaaring patungan ang pambabae at panlalaking hanbok ng isang mahabangabrigo, ang durumagi, na may katulad na gupit o yari. Sa kasalukuyan, isinusuot ng mga Koreano ang hanbok para sa mga araw ng pagdiriwang o kasiyahan at para sa mga seremonyang katulad ng kasalan o paglilibing.



             
     

     Magandang Tanawin
    Ang isla ng Jeju ,Timog Korea ang napakaganda na puno ng sari-saring bulaklak at Halaman.






    Sabado, Oktubre 19, 2013

    KABIHASNAN NG BANSANG INDIA



                       
                  INDIA




    Ang India ay isang bansa na mahahanap sa gawing Timog Asya. Ito ay ang ikapitong-pinakamalaking bansa na nasasakupan, ang pangalawang pinaka-mataong bansa na may higit na 1.2 bilyon na mga tao, at ang mas kilalang mademokrasya na bansa sa buong mundo. Ito ay kadikit ng Indian Ocean sa timog, ang Arabian Sea sa timog-kanluran, at ang Bay ng Bengal sa timog-silangan.Ang India ay ikasampu sa pinakamalaki na ekonomiya sa buong mundo ayon sa GDP. Ang Hinduismo naman ang kanilang pinakapopular na relihiyon sa bansang ito.





      -------------------------------------------------------------------------------------------------------

    Mga naiambag sa KASALUKUYAN

               Rajput
      
    Kasapi ng Rajput

    Ang salitang Rajput ay halaw sa mga salitang Sanskrit na nangangahulugang “anak ng hari”(son of king). Ang mga Rajput ay mayroong sinusunod na kodigo ng karangal at katapangan.Sila ay kilala bling mga maimpluwensiyang pinuno at mandirigma.Kilala rin silang mapaglikha ng mga naggagandahang mga palasyo.Ang mga Rajput ang naging tagapagtanggol ng India sa pagsalakay ng mga Muslim.Sa estado ng sistemang caste,sila ay mga Kshatriya o mga mandirigma.





                                  Tamerlane
      

    Si Tamerlane ang kinikilalang pinakadakilang manlulupig noong panahon ng mga pananalakay ng mga Muslim . Siya ay nakatulong ng husto sa Indus dahil napaalis niya ang mga mananakop.Tamerlane, ang pangalan niya ay nanggaling mula sa Persian Timur-i lang, "Temur ang pilay" sa pamamagitan ng European sa panahon ng ika-16 siglo. Sa Turko ang kanyang pangalan ay Timur, na nangangahulugan na 'bakal'. Sa kanyang buhay , siya ay nakasakop ng higit sa kaninuman maliban kay Alexander.Siya ay kilala bilang chess player, siya ay nagimbento ng isang mas detalyadong paraan ng laro, tinatawag na ngayong ito na Tamerlane Chess, may dalawang beses ang bilang ng mga piraso sa isang board ng isang daan at sampung mga parisukat.


                Akbar                                                          
      

       Si Akbar ay lubhang mausisa tungkol sa relihiyon. Siya ay nagtatag ng sariling relihiyon na tinawag niyang Divine Faith. Binubuo ito ng mga aral at element ng relihiyong Hinduism, Jainism, Kristiyanismo, at Suffism ngunit ito lamang ay nagpagalit lamang sa mga Muslim na nagtangkang magrebelde laban sa kanya noong 1581. “Dakilang Isa” o The Great One ang kahulugan ng pangalan ni Akbar at kanya itong pinatunayan sa pamamagitan ng matalino at mapaghintulot na pamumuno.


                                    


    Sitemang Caste


    Ang Sistemang Caste o kilala sa tawag na "Varna sa Rig Veda".Sa sistemang caste,ang lipunan ay napapangkat sa hindi magkakapantay na katayuan ng bawat tao.Pinaniniwalaang ang sistemang ito ay pinairal ng mga Aryan upang mapanatili ang mataas na kalagayan ng kanilang pangkat kaysa sa mga taong kanilang dinatnan sa Indus.Ito ay nahahati sa apat:ang mga brahmins ay mga iskolar at pari,ang mga Kshatriya ay mga mandirigma,Vaishya naman ay mga magsasaka at mangangalakal,at ang Sudra na binubuo ng mga Dravidians ay ang pinakamababang pangkat na nagsisilbing mga utusan. 

       


    SHAH JAHAN 


    “Hari ng Daigdig” ang kahulugan ng pangalan ni Shah Jahan, siya ay isang haring walang kapanatagan. Ang hilig niya ay nakatuon lamang sa pagpapagawa ng magagarang palasyo at sa maganda at paborito niyang asawang si Mumtaz Mahal ngunit namatay ito noong 1631. Bilang alay sa kanyang asawa,ipinatayo ni Shah Jahan ang Taj Mahal at ito ang nagsilbing libingan ni Mumtaz Mahal.

                                               





       Aurangzeb

     Si Aurangzeb ay naging mapaniil sa kanyang panunungkulan. Mahigpit niyang ipinatupad ang Batas  Islamic at ipinagbawal ang pag-inom ng alak, pagsusugal, at iba pang masasamang bisyo sa Mughal. Ipinatigil niya ang pagpapagawa ng mga Templong Hindu at ipinasira ang lahat ng monumentong may kinalaman sa paniniwalang ito. Bunga nito, ang mga Rajput ay nagsipagrebelde. Sa mga huling taon na panunungkulan ni Aurangzeb, naghirap ang mga tao at tuluyan nang nawala ang tiwala at katapatan ng kanyang mga tauhan sa kanyang kapangyarihan. Sa paghina ng imperyo, unti-unting naging makapangyarihan ang mga local na maharlika






                                                                             Shiva 

    Si Shiva, na kilala rin bilang Mahadeva, Mahesh ("Great Diyos") o Bholenath ("Simple Panginoon"), ay isang popular na diyos ng Hindu at itinuturing bilang kataas-taasang Diyos sa Shaivism, isa sa tatlong pinaka-maimpluwensyang denominasyon sa Hinduism. Si Shiva ay itinuturing na isa sa mga pangunahing anyo ng Diyos, tulad ng isa sa limang pangunahing anyo ng Diyos sa tradisyon ng Smarta, at "ang destroyer" o "ang transpormador"  kabilang sa mga Trimurti, ang Hindu Trinity na pangunahing aspeto ng mga banal.Si Shiva din ay itinuturing na diyos ng yoga at arts. Pinaniniwalaan ng mga Indiano lalong-lalo na ang mga dravidians na siya rin ay ang diyos ng ilaw.











    Ang pangkat ng mga Aryan ang unang sumakop sa India.Sila ay nanirahan sa ilog Lambak ng Indus kasama ang mga sinaunang nomad ng lupain.Sila ay matatangkad at may mapusyaw na balat .Sila rin ay mga nomad na karaniwang nakikipagkalakalan sakay ng kanilang mga kabayo.Ang pinaniniwalaan nli na diyos ay sina Agni:diyos ng apoy at Indra:diyos ng kidlat. 




                                             Taj Mahal 

    Ang Taj Mahal ay mahahanap sa Agra,Uttar Pradesh, India.Ito ay isang templo na ipinatayo ni Shah Jahan bilang alaala para sa kanyang pangatlong asawa  na si Mumtaz Mahal.Dinadalaw ito ng maraming tao dahil sa magandang estraktura ng gusali.Noong 1983, ang Taj Mahal ay naging isang UNESCO World Heritage Site.








    pangyayari sa kwentong Ramyana
                                                              Epikong Ramayana

    Ang epikong Ramayana ay isa sa mga libro na binabasa basa ng mga tao at sikat na epiko ng lahat ng oras. Ang bawat batang lalaki at babaeng nag-aaral sa Indya ay nakakaalam ng kuwento ng Ramayana . Bawat Hindu ay may pinakamataas na paggalang  sa kaaliw-aliw  na mahabang tula, na kung saan ay ibinigay din ang katayuan ng isang banal na aklat.Naglalaman ang aklat ng mga 96,000 taludtod at nahahati sa pitong mga bahagi.Sa panahon ni Akbar,ito ay naging sikat na isinadula naman muli ni Tulsi Das na tungkol sa buhay ng isang prisipe na si Prinsipe Rama.





    Mga Tradisyon at Kultura




    Wika 

    Ang kanilang pambansang wika ay Hindi.Ito ay kanilang ginagamit upang makipagkomunikasyon.


                 

                                              Sayaw





    Bharata natyam (din baybayin Bharathanatyam o Bharat natyam) ay sayaw tanyag magaling sa Tamil Nadu, ang estado (probinsiya) sa InyaTimog/Sur.Bharata pakahuluganan tulad ng sayaw gumawang ni Marunong Guru Bharata, may-gawa ng Natya Shastra, at Bharata pakahuluganan tulad ng: Bha sa bhava (abhinaya sa wikang Sanskrit) o paliwanag, Ra sa raga o tugtog/melodiya, at Ta sa tala o indayog. Bharata (o Bharat) pakahuluganan Indya/India