Japan
Ang salitang“Japan” ay nagmula sa salitang Nippon o Nihon na ang ibig sabihin ay “Land of the Rising Sun”.Ang bansa ay kilala sa maunlad na pamamalakad at mayaman sa kultura at tradisyon. Ang Shintoism ang pinakamalaki at tradisyonal na relihiyon ng Japan. “Gawing Diyos” ang ibig sabihin ng Shintoism. Ang Kami o Diyos ng kalikasan ang itinuturing diyos ng mga nanalig sa relihiyong Shinto.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kabisera ng Nara

Ainu
Ang mga Ainu ang unang nanirahan sa bansang Japan.Ang salitang Ainu ay nagangahulugang "tao".Ang mga Ainu ay pangkat-etnikong nagsimulang manirahan sa Hokkaido,ang hilagang pulo ng Japan, sa mga pulo ng Kurile, at Sakhalin, at sa pinakatimog na bahagi ng Kamchatka Peninsula.
Jimmu
.jpg)
Si Emperador Jimmu kilala rin bilang Kan'yamato Iware-biko no Sumeramikoto at totoong pangalan Wakamikenu no Mikoto o Sano no Mikoto ay ang nagtatag ng Hapon ayon sa mitolohiya at ang unang emperador sa kinaugaliang talaan ng mga emperador ng Hapon.Siya ay ang unang emperador ng bansang Japan.Siya ay tinatawag na Tenno na ang kahulugan ay "Anak ng Kalangitan".Ayon sa kanila siya rin ang nagtatag ng Imperyong Yamato.
Prinsipe Shotoku
.jpg)
Sistemang Piyudal
Ang piyudalismo o peudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari. Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon.Nagsimula ito sa Japan noong ang nanunungkulan ay si Yoritomo.Ito ay nahahati sa tatlong panahon:Kamakura Shogunate,Ashikaga Shogonate, at Tokugawa Shogonate.
Tokugawa Ieyasu
Tokugawa Ieyasu ay ang tagapagtatag ng unang Shogun ng mga Tokugawa shogunate ng Japan, na pinasiyahan mula sa Labanan ng Sekigahara sa 1600 hanggang sa Meiji Restoration sa 1868.Siya ang muling nakapag-isa ng bansang Japan.Upang maiwasan ang paghihimagsik ng kanyang mga daimyo,itinakda ni Ieyasu ang "alternate attendance policy".
![]() |
Marka ng Shintoism |
Shintoism
Sa pagdaraan ng panahon,ang magkakaibang tradisyong ito ay kanilang pinagsanib sa isang relihiyon na tinawag nilang Shinto, na ang kahulugan ay "ang daan ng diyos".Ang relihiyong Shinto ay nakabatay sa paggalang sa kalikasan at pagsamba sa mga ninuno.Si Kami ang pinaniniwalaan nilang diyos ng kalikasan.
Samurai
Ang samurai , mononohu, o bushi, ay ang mga kasapi ng uring militar ng sinaunang Hapon. Samakatuwid, sila ang mga mandirigma noong kanilang kapanahunan. Nagmula ang salitang samurai sa pandiwang ng Hapones ns saburai, na nangangahulugang paglingkuran (ang isang tao).Ang mga kabalyerong nakikipaglaban nang buongkatapatan para sa kaligtasan ng kanilang mga panginoon.
Ashikaga Shogunate
Ang Ashikaga shogunate ay higit na kilala bilang Panahon ng Muromachi.Ang pangalang Muromachi ay nagmula sa pangalan ng daang Muromachi sa Kyoto,kung saan itinatag ni Shogun Yoshimitsu ang kanyang tirahan na kung tawagin ay "Mabulaklak na Palasyo" (Flower Palace).Ito ay tinatag ni Ashikaga Takauchi,na nagmula sa angkan ng Minomoto.
Mga TRADISYON at KULTURA
Nobela
Ang Sushi ay ang tradisyonal na pagkain na binabalik balikan sa Japan.Ito ay napakasarap at malasang pagkain.Dahil nga sa ito ay popular sa buong mundo ,ito ay tinangkilik at kumalat sa iba't ibang sulok ng mundo.
it helped me a lot. thanks. :)
TumugonBurahinJapan is surely amazing
TumugonBurahinIt'll be helpful on my report thanks
TumugonBurahinYay
TumugonBurahinThanks for the info. from this
TumugonBurahin