Ang India ay isang bansa na mahahanap sa gawing Timog Asya. Ito ay ang ikapitong-pinakamalaking bansa na nasasakupan, ang pangalawang pinaka-mataong bansa na may higit na 1.2 bilyon na mga tao, at ang mas kilalang mademokrasya na bansa sa buong mundo. Ito ay kadikit ng Indian Ocean sa timog, ang Arabian Sea sa timog-kanluran, at ang Bay ng Bengal sa timog-silangan.Ang India ay ikasampu sa pinakamalaki na ekonomiya sa buong mundo ayon sa GDP. Ang Hinduismo naman ang kanilang pinakapopular na relihiyon sa bansang ito.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga naiambag sa KASALUKUYAN
Rajput
![]() |
Kasapi ng Rajput |
Ang salitang Rajput ay halaw sa mga salitang Sanskrit na nangangahulugang “anak ng hari”(son of king). Ang mga Rajput ay mayroong sinusunod na kodigo ng karangal at katapangan.Sila ay kilala bling mga maimpluwensiyang pinuno at mandirigma.Kilala rin silang mapaglikha ng mga naggagandahang mga palasyo.Ang mga Rajput ang naging tagapagtanggol ng India sa pagsalakay ng mga Muslim.Sa estado ng sistemang caste,sila ay mga Kshatriya o mga mandirigma.
.jpg)
Tamerlane
Si Tamerlane ang kinikilalang pinakadakilang manlulupig noong panahon ng mga pananalakay ng mga Muslim . Siya ay nakatulong ng husto sa Indus dahil napaalis niya ang mga mananakop.Tamerlane, ang pangalan niya ay nanggaling mula sa Persian Timur-i lang, "Temur ang pilay" sa pamamagitan ng European sa panahon ng ika-16 siglo. Sa Turko ang kanyang pangalan ay Timur, na nangangahulugan na 'bakal'. Sa kanyang buhay , siya ay nakasakop ng higit sa kaninuman maliban kay Alexander.Siya ay kilala bilang chess player, siya ay nagimbento ng isang mas detalyadong paraan ng laro, tinatawag na ngayong ito na Tamerlane Chess, may dalawang beses ang bilang ng mga piraso sa isang board ng isang daan at sampung mga parisukat.
Akbar
Si Akbar ay lubhang mausisa tungkol sa relihiyon. Siya ay nagtatag ng sariling relihiyon na tinawag niyang Divine Faith. Binubuo ito ng mga aral at element ng relihiyong Hinduism, Jainism, Kristiyanismo, at Suffism ngunit ito lamang ay nagpagalit lamang sa mga Muslim na nagtangkang magrebelde laban sa kanya noong 1581. “Dakilang Isa” o The Great One ang kahulugan ng pangalan ni Akbar at kanya itong pinatunayan sa pamamagitan ng matalino at mapaghintulot na pamumuno.
Sitemang Caste
Ang Sistemang Caste o kilala sa tawag na "Varna sa Rig Veda".Sa sistemang caste,ang lipunan ay napapangkat sa hindi magkakapantay na katayuan ng bawat tao.Pinaniniwalaang ang sistemang ito ay pinairal ng mga Aryan upang mapanatili ang mataas na kalagayan ng kanilang pangkat kaysa sa mga taong kanilang dinatnan sa Indus.Ito ay nahahati sa apat:ang mga brahmins ay mga iskolar at pari,ang mga Kshatriya ay mga mandirigma,Vaishya naman ay mga magsasaka at mangangalakal,at ang Sudra na binubuo ng mga Dravidians ay ang pinakamababang pangkat na nagsisilbing mga utusan.
SHAH JAHAN
“Hari ng Daigdig” ang kahulugan ng pangalan ni Shah Jahan, siya ay isang haring walang kapanatagan. Ang hilig niya ay nakatuon lamang sa pagpapagawa ng magagarang palasyo at sa maganda at paborito niyang asawang si Mumtaz Mahal ngunit namatay ito noong 1631. Bilang alay sa kanyang asawa,ipinatayo ni Shah Jahan ang Taj Mahal at ito ang nagsilbing libingan ni Mumtaz Mahal.
Aurangzeb

Shiva
Si Shiva, na kilala rin bilang Mahadeva, Mahesh ("Great Diyos") o Bholenath ("Simple Panginoon"), ay isang popular na diyos ng Hindu at itinuturing bilang kataas-taasang Diyos sa Shaivism, isa sa tatlong pinaka-maimpluwensyang denominasyon sa Hinduism. Si Shiva ay itinuturing na isa sa mga pangunahing anyo ng Diyos, tulad ng isa sa limang pangunahing anyo ng Diyos sa tradisyon ng Smarta, at "ang destroyer" o "ang transpormador" kabilang sa mga Trimurti, ang Hindu Trinity na pangunahing aspeto ng mga banal.Si Shiva din ay itinuturing na diyos ng yoga at arts. Pinaniniwalaan ng mga Indiano lalong-lalo na ang mga dravidians na siya rin ay ang diyos ng ilaw.
Ang pangkat ng mga Aryan ang unang sumakop sa India.Sila ay nanirahan sa ilog Lambak ng Indus kasama ang mga sinaunang nomad ng lupain.Sila ay matatangkad at may mapusyaw na balat .Sila rin ay mga nomad na karaniwang nakikipagkalakalan sakay ng kanilang mga kabayo.Ang pinaniniwalaan nli na diyos ay sina Agni:diyos ng apoy at Indra:diyos ng kidlat.
Taj Mahal
Ang Taj Mahal ay mahahanap sa Agra,Uttar Pradesh, India.Ito ay isang templo na ipinatayo ni Shah Jahan bilang alaala para sa kanyang pangatlong asawa na si Mumtaz Mahal.Dinadalaw ito ng maraming tao dahil sa magandang estraktura ng gusali.Noong 1983, ang Taj Mahal ay naging isang UNESCO World Heritage Site.
![]() |
pangyayari sa kwentong Ramyana |
Ang epikong Ramayana ay isa sa mga libro na binabasa basa ng mga tao at sikat na epiko ng lahat ng oras. Ang bawat batang lalaki at babaeng nag-aaral sa Indya ay nakakaalam ng kuwento ng Ramayana . Bawat Hindu ay may pinakamataas na paggalang sa kaaliw-aliw na mahabang tula, na kung saan ay ibinigay din ang katayuan ng isang banal na aklat.Naglalaman ang aklat ng mga 96,000 taludtod at nahahati sa pitong mga bahagi.Sa panahon ni Akbar,ito ay naging sikat na isinadula naman muli ni Tulsi Das na tungkol sa buhay ng isang prisipe na si Prinsipe Rama.
Mga Tradisyon at Kultura
Wika
Ang kanilang pambansang wika ay Hindi.Ito ay kanilang ginagamit upang makipagkomunikasyon.
Sayaw
Bharata natyam (din baybayin Bharathanatyam o Bharat natyam) ay sayaw tanyag magaling sa Tamil Nadu, ang estado (probinsiya) sa InyaTimog/Sur.Bharata pakahuluganan tulad ng sayaw gumawang ni Marunong Guru Bharata, may-gawa ng Natya Shastra, at Bharata pakahuluganan tulad ng: Bha sa bhava (abhinaya sa wikang Sanskrit) o paliwanag, Ra sa raga o tugtog/melodiya, at Ta sa tala o indayog. Bharata (o Bharat) pakahuluganan Indya/India
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento